97-ANYOS, LALAHOK SA RAPID CHESS
edad na siyamnapu't pitong anyos
ay isa nang malaking gantimpala
iyon pa kayang lalaban kang lubos
sa chess, aba'y sadyang kahanga-hanga
pagpupugay sa iyo, Tatay Domeng
na tatlong taon pa'y sandaan ka na
ilalabas mo pa ang iyong galing
sa torneo ng chess sa Marikina
nawa'y makamit mo sa iyong edad
ang unang pwesto sa larangan ng chess
pag nagkampyon ka, tunay kang mapalad
lalo't laro ng utak ang ahedres
salamat, isa ka nang inspirasyon
upang tularan ka ng kabataan
maabot ang edad mo'y aking layon
kaya sa chess ako na'y ginanahan
- gregoriovbituinjr.
03.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 7, 2025, p.12
Mga tula batay sa mga ulat sa pahayagan, napapanahong balita, at mga pangyayaring nilahukan ng makata.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Higit P17 Trilyong utang ng bansa
HIGIT P17 TRILYONG UTANG NG BANSA labimpitong trilyong piso na pala ang utang ng Pilipinas kong mahal ito ang napabalita talaga kaya ba mga ...

-
SAHOD NG MANGGAGAWA, ITAAS! SAHOD NG SSS EXECUTIVES, BAWASAN! IBAHAGI SA MANGGAGAWA! Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa ...
-
11 BANSA NA PALA ANG KASAPI NG ASEAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Labing-isa na pala ang bansa sa Association of Sou...
-
KOLUM NA PATULA SA DYARYO Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Madalas kong nakikita sa pesbuk ang paglalathala ng kolum na patula ng isang ka...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento