TIRANG PAGKAIN, PANLABAN DAW SA GUTOM
di pagpag, kundi tirang pagkain
na sumobra sa mga restoran
di nabenta sa mga fast food chain
ay panlaban daw sa kagutuman
kung isipin, magandang ideya
ng isang ahensya ng gobyerno
subalit paano ang sistema
sa ilalim ng kapitalismo
na yaong natira'y tinatapon
pag di nabenta, kahit malugi
kaysa ibigay ang mga iyon
sa dukhang sa gutom ay sakbibi
pipila pa ba ang mga dukha
upang abangan ang di nabili
pakakainin ba ang kawawa
ng pulitikong nais magsilbi
baka ideya'y papogi points lang
o baka wala kasing maisip
silang kongkretong pamamaraan
upang nagugutom ay masagip
- gregoriovbituinjr.
12.23.2024
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, 23 Disyembre, 2024, headline at p.2
Mga tula batay sa mga ulat sa pahayagan, napapanahong balita, at mga pangyayaring nilahukan ng makata.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
May mga pangalan ang mga pinaslang
MAY MGA PANGALAN ANG MGA PINASLANG (Tara, pagtulungan natin upang mabatid ni VP Sara) wala nga bang pangalan ang mga pinaslang? tiyak meron,...

-
SAHOD NG MANGGAGAWA, ITAAS! SAHOD NG SSS EXECUTIVES, BAWASAN! IBAHAGI SA MANGGAGAWA! Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa ...
-
11 BANSA NA PALA ANG KASAPI NG ASEAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Labing-isa na pala ang bansa sa Association of Sou...
-
KOLUM NA PATULA SA DYARYO Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Madalas kong nakikita sa pesbuk ang paglalathala ng kolum na patula ng isang ka...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento