Sabado, Hunyo 8, 2024

Pamilya'y nautas sa kidlat

PAMILYA'Y NAUTAS SA KIDLAT

madalas, di inaasahan
ang pagdating ng kamatayan
paano ba paghahandaan
kung ang insidente'y biglaan

tulad ng natunghayang ulat
na pamilya'y namatay lahat
dahil tinamaan ng kidlat
balita ngang nakagugulat

nasa labasan sila noon
nang tamaan ng kidlat doon 
namatay agad sila roon
pasado alas-tres ng hapon

anong aral ang makakatas
bakit mag-anak ay nautas
sadya bang kanila nang oras
ganyang nangyari'y di mawatas

- gregoriovbituinjr.
06.08.2024

* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Hunyo 7, 2024, headline at pahina 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Komento ni Ivana hinggil sa pagtakbo sa halalan

KOMENTO NI IVANA HINGGIL SA PAGTAKBO SA HALALAN actress Ivana Alawi ay nagsabing totoo: "Di porke maraming followers, dapat nang tumakb...