kapansin-pansin ang balita sa Abante Tonite
nasa headline pa, lalo na't may dating ang pamagat
mga dayo'y nagrambulan nang dahil sa kulangot
ito nga ba'y nakakatawa o nakakatakot?
pinahiran ng kulangot ang Hapon sa comfort room
ng isa sa suspek na Taiwanes na nakainom
hanggang sa magkasagutan sa loob ng kubeta
at sa paglabas, aba, sila'y nagkarambulan na
nagkabatuhan ng bote dahil isa'y nambastos
tila ba sa disiplina sila'y wala sa ayos
ayon sa balita, ito'y naganap sa Maynila
sa isang bar sa Ermita, dayo'y nagkasagupa
parak ay dumating at agad na pinagdadampot
silang mga nagpang-abot nang dahil sa kulangot
- gregbituinjr.
* batay sa isang ulat sa Abante Tonite, Agosto 13, 2019
Mga tula batay sa mga ulat sa pahayagan, napapanahong balita, at mga pangyayaring nilahukan ng makata.
Miyerkules, Agosto 14, 2019
Tiyuhing ulupong
ulupong pala ang tiyuhin ng isang babae
na tumuklaw sa puri ng nasabing binibini
karumal-dumal ang balitang ito't insidente
niluray, pinaslang ang gagradweyt na estudyante
sa likod ng iskul, ang bangkay niya'y natagpuan
tiyuhin niya'y isa sa gumahasa't pumaslang
mabuti't nasumbong pa sa liham ang kaganapan
sa liham sa ina'y sumabog ang katotohanan
tiyuhin niya't apat pa nitong kasama'y suspek
mga walang budhing pwersahan siyang itinalik
pinagpasasaan ng mga walang awang lintik
ngunit sa huli, pati mata niya'y itinirik
salamat sa liham na nagbulgar sa krimen nila
na di napadala ng dilag sa mahal na ina
hustisya sa ginahasa't pinaslang na dalaga!
bulukin sa piitan ang nagmalupit sa kanya
- gregbituinjr.
* ang tula'y binatay sa headline sa pahayagang Bulgar, Agosto 13, 2019, na may pamagat na "Graduating student ni-rape ng 5, pinatay sa likod ng iskul" at may maliit na dugtong na "Nakagawa ng sulat, uncle itinuro"
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Book Sale
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
-
SAHOD NG MANGGAGAWA, ITAAS! SAHOD NG SSS EXECUTIVES, BAWASAN! IBAHAGI SA MANGGAGAWA! Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa ...
-
HINDI PA LAOS SI IDOL isang MMA fighter si Eduard Folayang na ilang beses nang nagwagi sa labanan nais niyang bumalik at lumaban sa ONE Cha...
-
KAYRAMING BASURANG PLASTIK SA MANILA BAY pinuna ng editoryal sa pahayagang Pang-Masa ang Manila Bay dahil sa naglutangang basura ano bang...